- Lyrics
- Album list
Xcrew
-
Sa Piling Mo
Ito ang kwento ng pag-ibig kong walang hanggan Aking iningatan din ito ng napakatagal Syang babaeng nagpaluha sa akin at nagpatawa Sa kanya ko naranasang sumaya Hindi ako sanay kapag hindi ko sya nakita Nawawala ang kulay ng mundo kong masaya At sa oras na kaharap ko sya at nakakausap Di na makakilos sa sobrang katorpihan Panu nga ba ako makakaligaw sa kanya Find more lyrics at ※ Mojim.com Kung parati may kasama sya at di nag-iisa Gusto kong makasabay sya sa kanyang pag-uwi Maihatid ko man lang sya kahit na ilang saglit Gustong kong mahawakan ang kanyang mga kamay At I-share sa kanya ang buhay kong nalulumbay Pangarap ka noon na gusto kong makamit At kapag akin ka na hindi kita ipagpapalit
[Chorus:] Sa piling mo masaya ako Di kailanman magbabago ang pag-ibig ko Kahit na magkalayo tayong dalawa sinta Iibigin ka
Isang babae na hindi ko kayang saktan Gusto ko parati na lang syang aking alagaan Babantayan kahit pa sa magdamagan At sana mahalin ako ng di napipilitan Nahanap ko sa kanya ang tunay na pag-asa Ligaya na kailan pa man na di ko natamasa Ako'y naniniwala na alam kong sya na nga At sya rin dinarasal ko na sana dumating na Di ako manghihinayang na gawin ko ang lahat Kahit na ikamatay ang buhay ko'y ilalahad Para lang sa kanya kaya kong maghintay ng taon Basta sinabi nyang maghintay, gagawin ko yon At hindi ako mangangambang iwan nya ako Pagdating ng panahon alam kong syang magpapabago Sa magulong buhay ko na aking naranasan Wala na ngang iba sa puso ko kundi lang sya
Kayhirap na sabihin sa kanyang mahal ko sya At baka hindi nya lng ako pansinin pa Ako ay naglakas loob na sa kanya, sabihin na Ang laman ng puso at isipan ko ay sya na nga Naghintay ako sa kanya kahit gano katagal Pero di ko rin na inasahan di na nagtagal Sinagot nya na ako sa araw din ng mga puso At sa araw na yon nagsimula ang aming kwento Marami na kaming naranasan na pagsubok Taon na ang binilang at hindi kami sumuko Walang makakapigil sa aming pagmamahalan Lakas loob na haharapin ang kinabukasan Honey ko, salamat sa iyo Ang buhay ko'y naging kumpleto ng dahil sa'yo Kung mawawala ka sa akin ay di bale na lang Di ko kaya mag-isa kung wala ka rin lang
[Repeat Chorus:](2x)
Kahit na magkalayo tayong dalawa sinta Iibigin pa rin kita
-
|